Iniulat ng Finland nitong Linggo ang posibleng paglabag sa kanilang teritoryo ng ilang drone sa timog-silangang bahagi ng bansa. Ayon sa Prime Minister, posibleng kaugnay ito ng mga pag-atake ng Ukraine laban sa Russia.
Nauna nang sinabi ng Estonia, Latvia, at Lithuania na may mga Ukrainian drone na bumagsak sa kanilang lugar matapos maligaw habang tinatarget ang mga oil facility ng Russia sa Baltic Sea.
Pinalalakas ng Ukraine ang drone attacks sa mga refinery at export route ng Russia upang pahinain ang ekonomiya nito habang natitigil ang usapang pangkapayapaan.
May natukoy na mga lumilipad na mga bagay sa Finland, at nagpadala ng fighter jets ang kanilang air force. Isa sa mga ito ay kinilalang Ukrainian AN196 drone na bumagsak malapit sa Kouvola, kasama ang isa pang drone sa parehong rehiyon.











