--Ads--

Kulungan ang bagsak ng isang dating drug surrenderee matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng hanay ng PNP Cauayan at PDEA sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na si alyas Pido, 32 anyos, single, Bus Driver at residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela

Nasamsam sa suspek ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga, Marijuana, at Drugs Paraphernalia.

Aminado naman ang suspek na ito ay nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga.

--Ads--

Aniya, kinukuha niya ang suplay ng iligal na droga sa bayan ng Luna at saka ito ibinibenta sa Lungsod.

Ayon naman sa hanay ng mga awtoridad ang mga nahuhuling drugs suspek ay bunga ng patuloy na paglaban kontra iligal na droga.

Anila, hindi dahil drug free city ang Cauayan ay magpapakampante na lamang sila kung kayat tuluy-tuloy ang kanilang operasyon na nagreresulta ng pagkakahuli ng mga drugs suspect.

Samantala, dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Samantala, kulungan din ang bagsak ng isang 63-anyos na lalaki sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Burgos Street, Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela kahapon dahil sa kasong paglabag sa kasong Sexual Assault na nakapaloob sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ang suspek na kinilalang si alyas Emil, mekaniko at residente ng nabanggit na lugar na binansagang Top 6 Provincial Most Wanted Person sa Isabela.