--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi sang- ayon ang Department of Education (DepEd ) Ilagan City sa panukala ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) na sumailalim sa drug test ang mga mag-aaral sa elementarya lalo na ang mga nasa Grade-4

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni kay DepEd Schools Division Superintendent Cherry Ramos ng DepEd Ilagan City na hindi pa “matured” ang mga batang Grade-4 sa mga usaping may kaugnayan sa iligal na droga.

Idiagdag pa niya na hindi drug test sa mga mag-aaral ang sagot kundi gabay upang hindi sila masangkot sa iligal na droga.

Mayroon umanong mga aktibidad ang tanggapan para mabuksan ang kamalayan ng mga mag-aaral.

--Ads--

Ayon kay Dr. Cherry Ramos, puspusan ang mga programa ng DepEd para sa mga kabataan upang mailayo sila sa bawal na gamot at upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral.