CAUAYAN CITY- Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Dante, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 ang kahandaan sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga pamilyang maaaring maapektuhan sa rehiyon.
Sa kabuuan ay naka prepositioned na ang nasa 67,384 Family Food Packs (FFPs) na may kabuuang halaga na ₱39.7 milyon pesos, 19,196 Non-Food Items (NFIs) gaya ng hygiene kits, family clothing kits, sleeping kits, at kitchen kits.
Lahat ng mga ito ay nakaimbak sa mga bodega ng ahensya at handa nang ipamahagi kung kinakailangan.
Sa ngayon ay mahigpit na mino-monitor ng DSWD ang lagay ng panahon partikular sa mga lugar na nasasakupan ng Region 2.
Nasisiguro ng ahensya na sa gitna ng bantang dulot ng Bagyong Dante, ipinapakita ng DSWD FO2 ang dedikasyon nitong tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayang maaaring maapektuhan.










