--Ads--

CAUAYAN CITY – Bukod sa pagbibigay tulong pananalapi ay magsasagawa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 ng stress de briefing sa 22 na nasugatang pasahero ng nahulog na elf truck sa bangin sa Conner, Apayao.

Ito ay bukod pa sa paunang tulong na 10,000 pesos na burial assistance sa 19 na nasawi na pawang residente ng Rizal, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Chester Trinidad, Information Officer ng DSWD region 2 na matapos ang pamamahagi ng tulong pinansiyal ay isasailalim sa stress de briefing ang mga nakaligtas at nasugatan sa aksidente upang matulungan silang malampasan ang naranasang nilang trauma.

Tiniyak ni Ginoong Trinidad na maliban sa paunang tulong ay handa pang magbigay ng karagdagang tulong ang mga health workers ng DSWD region 2 at DSWD Cordillera Administrative region (CAR) pangunahin na sa psycho-social treatment.

--Ads--

Patuloy na nagpapagaling ang mga nasugatan sa ospital sa Conner, Apayao at Tuguegarao City kasabay nito ang pagsailalim sa assestment upang matukoy kung ano pang mga tulong ang maaaring maibigay ng pamunuan ng DSWD region 2 at DSWD CAR sa mga nasugatan.

Ang tinig ni Mr. Chester Trinidad, information officer ng DSWD region 2