--Ads--

CAUAYAN CITY- Abala na ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela para ipatupad ang maigting na monitoring sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong papalapit na holiday season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Elmer Agorto ng DTI-Isabela sinabi niya na isa sa mga tututukan nila ang usapin ng over pricing lalo at wala pang ibinababang guidelines para sa Suggested Retail Price ng mga Noche Buena Products.

Maliban dito ay babantayan din ang bentahan ng christmas lights.

Paalala niya sa mga mamimili na tiyaking masusuri ng mabuti ang ICC at PS marks ng mga ibinebentang christmas decors maging iba pang mga electronic device.

--Ads--

Sa katunayan nagbaba na sila ng task force sa Provincial Office para tututakan ang mga bahay kalakal na regular nilang minomonitor.

Maliban sa presyo ay binabantayan din ng DTI ang pwesto ng mga produkto maging ang paraan ng paglalagay ng presyo nito bilang pagtukoy sa mga profiteering o mga nananamantala sa presyo o itinakdang SRP.

Ang mga mapapatunayang lumalabag ay pinapatawan ng notice of violation.

Tinitiyak din ng DTI Isabela na matututukan ang mga online plotforms para matiyak din ang kaligtasan ng mga mamimili lalo na ngayong papalapit na pasko.

Gaya ng paulit ulit na paalala nila na bago bumili tiyaking accredited o lehitimong online store ang kanilang binibilhan.

Hanggat maaari aniya ay iwasan na maging implusive buyer at tignan ng mabuti ang mga detalye ng bibilhing produkto maging ng seller.