--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang ipalabas ng Department of Trade and Industry o DTI ang Suggested Retail Price o SRP ng mga Noche Buena Products sa huling linggo ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mel Laciste, tagapagsalita ng DTI Isabela sinabi niya na posibleng ipalabas ng DTI ang SRP bago matapos ang buwan ng Nobyembre, gayunman muli niyang pinaalalahanan ang mga Munufacturer at Retailer na hanggat wala pang bagong SRP ay sundin pa rin ang kasalukuyang presyo na nakapaloob sa SRP noong Nobyembre, 2021.

Umaasa naman ang DTI Isabela na maliit lamang ang magiging paggalaw sa presyo ng mga noche buena products lalo na at nakakaapekto rin sa pagtatakda ng SRP ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Muli namang nag paalala ang DTI Isabela sa mga mamimili na makipag ugnayan sa kanila sakaling may mga paglabag sa presyo o sa alituntunin na ipinapatupad ng DTI partikular sa mga noche buena products maging sa mga ibinebentang christmas ligths sa merkado.

--Ads--