--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa mga nagbebenta o retailers ng vape o e-cigarettes na sumunod sa mga panuntunan na nilalaman ng Republic Act 11900 (vaporized nicotine and non-nicotine products regulation act)

Kasama rin sa Republic Act 11900 ang mga vape device at ang juice o pinapatak sa vape device kasama na rito ang mga tobacco products o nobel tobacco products tulad ng liquid o nicotine candy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni G. Mel Laciste, tagapagsalita ng DTI Isabela nagsagawa sila ng webinar sa mga retailers at nagbebenta ng vape na naglalayong ipaalam sa kanila ang bahagi ng batas na maari nilang malabag.

Nakasaad sa batas ang pagbabawal ng pagbebenta ng vape o e-cigarettes sa mga menor de edad o labing walong taong gulang pababa habang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tindahan within 100 meter sa educational institutions.

--Ads--

Kinakailangan anyang tiyakin ng mga retailers o nagbebenta na nasa wastong gulang o labing walong taong gulang pataas ang bibili ng vape o e-cigarettes.

Kinakailangan din na may nakalagay na health warning sa 50% ng packaging at ipinagbabawal din ang pag-display ng mga produktong makukulay o fruity flavors na nakakaakit sa mga menor de edad.

Kinakailangan di na magkaroon ng product certification upang matiyak na hindi peke ang mga ibinebentang vape o e-cigarette.

Sinumang lalabag sa mga naturang panuntunan ay may mga kaakibat na multa hanggang sa revocation at cancellation ng business permit and licenses.

Ang pahayag ni G. Mel Laciste