--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang nakikitang paggalaw sa mga pangunahing produkto ang Department of Trade and Industry o DTI ngayong Ikalawang Linggo ng Enero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Technical Assistant Glen Bert Ramos ng DTI Isabela Consumer and Protection Division  sinabi niya na, wala naman inaasanag pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihain dahil nanatiling stable ang presyo ng Basic Comodity mula 2024 hanggang ikalawang Linggo ng Enero 2025.

Nagpapatuloy naman ang monitoring ng DTI sa mga bahay kalakal kaugany sa implementasyon ng Price Tag Requirement sa mga business establishment.

Sa katunayan aniya noong Pasko ay nakatanggap sila ng reklamo kaugany sa isang produkto mula sa isang groserya kung saan ang produkto ay may magkaibang price tag.

--Ads--

Sa ganitong pagkakataon aniya ang masusunod ay ang price tag na mas mababa ang presyo.

Paalala ng DTI sa mga bahay kalakal na ang mahuhuling hindi tumatalima na may kaukulan itong parusa at multa.

Muli namang bubuksan ng DTI ang kanilang Business One Stop Shop para sa ginagawang Business Renewal and Registration ng mga bahay Kalakal sa buong Lalawigan.

Sa ngayon ay may kaniya kaniyang scedules na ang bawat LGu kung kailan nakatakdang bisitahin sila ng mga DTI representative kung saan bawat DTI representative ay hahawak ng dalawang LGU.

Layunin nitong mapabilis ang transakyon ng mga Business Establishment para sa pagkuha ng Permit to Operate.

Samanatala babantayan rin ng DTI Isabela ang mga business establishment na nag kakaloob ng shop services gaya ng mga tindahan ng motor partikular ang pagkakaroon ng permit