Patuloy ang pagbibigay suporta ng pamahalaan sa mga Micro, Small and Medium Enterprises sa lungsod ng Santiago kasabay ng pagpapaigting sa proteksyon ng mga mamimili.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Lovell Mark Campania, Senior trade and Industry Development Specialist ng DTI Santiago City Satellite Office, sinabi niya na tuluy-tuloy ang kanilang mga programa para sa mga MSMEs pangunahin na sa pag-asiste sa kanila sa registration sa Business One Stop Shop o BOSS.
Kasalukuyan din ang pagsasagawa nila ng Kapatid Mentor Me Program kung saan may tatlong kalahok na sumasailalim sa mentoring upang mapalago ang kanilang negosyo.
Pinaalalalahanan naman niya ang mga negosyante na sumunod sa mga umiiral na fare trade laws at tiniyak niyang hindi titigil ang kanilang tanggapan sa pagbabantay sa compliance ng mga negosyo upang matiyak ang proteksyon ng mga consumer.











