--Ads--

Natapos ang kampanya nina Alex Eala at Shaira Rivera sa women’s doubles tennis ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan matapos silang talunin ng Chinese duo na sina Jiang Xinyu at Yang Zhaoxuan, 7-5, 6-2.

Naging mahigpit ang laban sa unang set kung saan nagpalitan ng puntos ang dalawang pares, ngunit nakuha ng China ang momentum sa huling bahagi ng set upang mauna, 7-5.

Pagdating sa ikalawang set, nagpakita pa rin ng matinding laban ang Filipina tandem sa ilang mahahabang rally, subalit muling nakontrol ng Chinese pair ang laro at tuluyang isinara ang laban, 6-2.

Bago ang kanilang quarterfinal stint, tinalo nina Eala at Rivera ang Hong Kong tandem na sina Lai Ching Laam at Kallista Liu, 6-1, 6-3, sa opening round ng torneo.

--Ads--