--Ads--
CAUAYAN CITY- Balak ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) ng San Mateo, Isabela na maglagay ng karagdagang early warning system device sa mga ilog.
Ayon kay MDRRM Officer Roy Salvador, maliban sa mga early warning system device sa lansangan ay dapat magkaroon din nito sa mga ilog upang matukoy ang oras na mataas ang tubig pangunahin na sa ilog magat.
Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang mga insidente ng pagkalunod sa mga ilog dahil sa biglang pagtaas ng antas tubig.
Dagdag pa aniya, maganda itong adhikain kaugnay na rin sa national disaster resilience month sa bansa upang maging ligtas ang mga nagbabalak sa mga ilog lalo na sa mga araw ng sabado at linggo kung kailan dinarayo ang mga ilog.
--Ads--




