--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal nang naupo bilang bagong Hepe ng Echague Police Station si PMaj. Mervin Delos Santos.

Si PMaj. Delos Santos na dating naitala sa Dinapigue Police Station ang pumalit kay PMaj. Rogelio Natividad.

Sa kaniyang acceptance speech ay nagpasalamat si PMaj. Delos Santos sa oportunidad na ipinagkaloob sa kaniya upang maitalaga bilang bagong Hepe.

Aniya bilang bagong mamumuno sa Echnague Police Station ay sinisiguro niyang maisabuhay ang adhikain ng PNP na makapag lingkod ng tapat sa publiko.

--Ads--

Hiniling din niya ang pagkakaisa para sa ikauunlad ng Echague Isabela at nagpahayag din siya ng kahandaan na makiisa sa anumang mga hangarin at programa ng Local Government Unit.

Samantala, emosyonal namang nagpasalamat si Former Echague Police Station Chief  PMaj. Rogelio Natividad dahil sa higit dalawang taon niyang pagseserbisyo sa nasabing bayan ay maraming mga krimen ang kanilang nalutas.