--Ads--
Ibinaba ng Asian Development Bank ang economic growth forecast ng Pilipinas para 2026 sa 4.4 porsyento mula sa dating 5.3 porsyento, dahil sa kawalang-katiyakan dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa ADB, maaaring maapektuhan ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagtaas ng inflation at mataas na presyo ng langis, lalo na’t umaasa ang Pilipinas sa imported fuel.
Itinaas din ang inflation forecast sa 4 porsyento ngayong taon, habang nananatiling banta ang posibleng epekto sa remittances at investments kung magtatagal ang krisis.
Sa kabila nito, inaasahang mananatiling pangunahing driver ng ekonomiya ang domestic demand at pamumuhunan.
--Ads--











