--Ads--

Nagpahayag ng pakikiramay si British singer-songwriter Ed Sheeran sa mga Palestinian na apektado ng nagpapatuloy na digmaan sa Israel.

Sa kanyang concert sa Philadelphia, sinabi ni Sheeran na labis siyang nasaktan sa lawak ng pagkawasak at pagkamatay ng mga sibilyan, kabilang ang mga bata.

Kasunod ito ng kontrobersiya sa pagtanggal kay rapper Macklemore sa tour matapos ang kanyang mga pahayag na pabor sa Palestine. May ilang guest artists ding umatras sa mga palabas ni Sheeran bilang protesta.

Sinabi ni Sheeran na bagama’t ayaw niyang maging political commentator, hindi na niya kayang manahimik dahil para sa kanya, isa itong humanitarian issue.

--Ads--

Iginiit din niya na bukas para sa lahat ang kanyang mga concert at nais niyang manatiling lugar ng pagkakaisa, pag-asa at pagmamahalan ang kanyang mga pagtatanghal.