--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang nasawi sa isang banggaan ng motorsiklo at pick-up sa Barangay Santiago, Quirino, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Engr. John Paul Umipig, 30-anyos, residente ng Purok 2, Barangay Sta. Lucia, Quirino, Isabela at empleyado ng National Irrigation Administration – Region 2 habang ang pick-up ay minamaneho ni Elvin Caliguiran , 45-anyos, Manager ng ISELCO 2, Roxas Branch, at residente ng Barangay Lapogan, Tumauini, Isabela.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya parehong nasa magkasalungat na linya ang mga sangkot na sasakyan ng maganap ang aksidente.

Batay sa PNP sinubukan na mag-overtake ng pick-up at nasagi ang motorsiklo, dahilan para tumilapon at magulungan ang rider.

--Ads--

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Quirino Police Station at Rescue 1214, subalit idineklara pa ring dead on arrival ang biktima sa RHU Quirino ng attending physician dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, hindi nasugatan si Caliguiran ngunit agad umanong tumakas mula sa lugar ng insidente at boluntaryong sumuko sa Mallig Police Station.

Parehong dinala sa himpilan ang mga sangkot na sasakyan para sa karampatang imbestigasyon at dokumentasyon.