--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang ikatlong linggo ng Abril na panahon para ganapin ang End of School Year Rites ng mga mag-aaral.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Amir Mateo Aquino, head ng public affairs unit ng DepEd Region 2, sinabi niya na batay sa DepEd Order 002 series of 2020 na inilabas noong March 12 ay gaganapin ang End of School Year Rites ng mga mag-aaral sa April 13-17, 2020.

Gayunman, dito sa Region 2 ay wala ng mangyayaring moving up ceremonies sa bawat grade level kundi graduation rites na lamang sa Grade 6 at Grade 12.

Subalit kung may deklarasyon ang kanilang munisipalidad na wala ng magaganap na graduation rites ay sundin na lamang ng pamunuan ng mga paaralan dahil para rin ito sa kaligtasan ng bawat isa.

--Ads--

Ayon pa kay Aquino, naglabas din ng memorandum ang kanilang central office tungkol sa pagsusulit ng mga mag-aaral.

Batay sa memorandum na ito, kung mayroon ng suspension of classes sa isang lugar ay magbibigay na lamang ng transmutation formula sa mga guro.

Subalit kung hindi kuntento at may katanungan ang isang estudyante sa kanyang grado ay maari niya itong sabihin at bibigyan siya ng online examination.

Tinig ni Amir Mateo Aquino, head ng public affairs unit ng DepEd Region 2.