--Ads--

Imposible magkaroon ng blank pages sa enrolled bill na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos na siyang naisabatas bilang GAA 2025.

Ito ay dahil sa bago ito makarating sa Pangulog ay maraming mga tao ang bumasa at nag double check dito bago pinapirma sa Pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco isang constitutionalist sinabi niya na ibang usapin ang blank pages ng bicameral report na internal document lamang ng Kongreso na walang koneksyon sa Pambansang pondo.

Kung mapatunayang blanko ang ilang pahina ng report ay dapat mapanagot ang Senate President at Speaker of the house.

--Ads--

Sa katunayan ang Bicameral Conference Committee ay hindi kasama sa istruktura ng lehislatura subalit isang pamamaraan para ayusin ang internal conflict sa pagitan ng mga mambabatas at anumang kakulangan o pangaabusa sa Bicam ang mananagot ay ang Senate President at House Speaker.

Sa halip aniya na pinaproblema ang Bicameral report ang mas dapat na kwestiyunin ay ang naisabatas na Pambansang Pondo mismo kung saan may ilang reklamo kaugnay sa pork barel maging ang pondong inlaan sa AKAP.