--Ads--
CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang equipment operator dahil sa kasong pagnanakaw sa Aglipay, Quirino.
Ang dinakip ay si Antonio Dolnuan Jr., na residente ng Calsian, Aglipay,Quirino.
Si Dolnuan ay dinakip ng mga kasapi ng Aglipay Police Station sa bisa ng Mandamiyento de aresto na inilabas ni Hukom Donnabel Balut ng MCTC Aglipay.
Makakalaya lamang ang pinaghihinalaan kapag naglagak ng piyansang P10,000.00.
--Ads--
Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.




