CAUAYAN CITY- Ilang araw bago lumabas ang resulta ng March 2025 Medical Technologist Licensure Examination ay napanaginipan ni rank 3 Trina Orro Bernal ang resulta at ranking niya sa exam result.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Trina Orro Bernal ang rank 3 sa katatapos na March 2025 Medical Technologist Licensure Examination sinabi niya na hindi niya inaasahan na mapapabilang siya sa topnotchers.
Una rito ay nagkaroon siya ng panaginip na siya ay top 3 sa pagsusulit kaya naman laking gulat niya ng magkatotoo ito.
Halos hindi rin aniya siya masyadong nakapag review dahil sa madalas siyang magkasakit kaya may mga niliban siyang mga review sessions.
Dahil dito ay halos nawalan siya ng pag-asa dahil na rin sa dami ng aralin na kailangan niyang aralin kaya ng maka uwi siya sa Tuguegarrao City ay pinilit niyang humabol sa pag rereview.
Isa sa naging paraan niya ay ang panonood ng recorded lectures at pag hingi ng mga side notes at puspusang pagbabasa.
Isang Linggo bago ang exam ay hindi na siya nag aral at hindi na rin siya nag attend ng synchronus classes sa kaniyang review center kaya talgang hindi niya inaasahan mapagtatagumpayan niya ang pagsusulit.
Noong siya ay nag aaral pa ay halos hindi rin niya naramdaman ang university life dahil sa pandemic noon gayunman ay nanatili siyang motivated.
Si Trina ay nagtapos na cumlaude sa Cagayan State University Andrews Campus at isa sa kaniyang inspirasyon ay ang kaniyang Ina na kumuha rin ng Medical Technology na kurso biling kaniyang pre-med bago naging isang doktor.
Labis ngayon ang pasasalamat ni Trina sa lahat ng mga taong tumulong at naniwala sa kaniyang kakayahan sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na kaniyang pinag daanan.