CAUAYAN CITY- Hinihinala ng mga otoridad na posibleng isang estudyante mula sa Criminology Department ng Our Lady of the Pillar College-San Manuel ang nasa likod ng pagpapadala ng bomb threat sa pamunuan ng eskwelahan.
sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Aldrin Galay ang tagapagsalita ng RECU 2 o Regional Explosive and Canine Unit 2, sinabi niya na nakatanggap sila ng tawag mula sa pamunuan ng OLPCC-San Manuel Campus.
Aniya batay sa ulat nakatanggap ng mensahe sa Facebook ang OLPC-San Manuel mula sa isang Alyas “Motmot”.
Batay sa mensahe nagtanim umano sila ng tatlong bomba,isa sa Basic Education Department, at dalawang bomba sa College Department.
Batay sa mensahe ang dahilan ng paglalagay ng bomba ay dahil di umano sa mga terror na Criminology Instructor’s na pinagkakaperahan umano ang mga estudyante at maling pamamalakad ng Dean maging umano ang mga bias na staff nito.
Batay sa pagsusuri ng RECU 2 na ang maaaring suspect sa pagpapadala ng bomb threat ay posibelng estudyante mula sa Criminology Department dahil sa rin sa laman ng mensahe na kumukundena sa umano’y hindi patas na grading system.
Matapos matanggap ang ulat ay agad silang nag deploy ng mga tauhan na agad nakipag ugnayan sa pamunuan ng OLPC-San Manuel bitbit ang ilang Police Service dog na bihasa sa pag detect ng bomba.
Bago makarating salugar ay wala na ang mga estudyante dahil naging maagap ang Campus Director para unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa ginawang pagsusuri walang anumang bomba na nakita sa tatlong key areas na nabanggit sa bomb threat at pasado alas onse ng umaga ay tinapos na ang paggalugad sa eskwelahan.
Napag-alaman na may nakatakdang pagsusulit din ang OLPC-San Manuel ng maganap ang insidente.
Dahil sa napapadalas na Bomb Threats ay ipinapanawagan nila na mareview ang Anti-Bombo Joke Law at magkaroon ng mas mabigat na parusa para sa mga gumagawa nito.
Hiningi narin nila ang koordinasyon ang San Manuel Police station at Regional Anti- Cyber Crime Unit para ma-trace kung sino ang nasa likod ng pananakot.
Nagsagawa naman ng pagpupulong ang pamunuan ng Our Lady of The Pillar College-San Manuel sa pangunguna ni Rev. Fr. Marshal Bartolome para sa gagawing hakbang matapos ang insidente habang napagdesisyunan na agad magbalik sa normal na operasyon ang eskwelahan sa lalong madaling panahon.










