--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang ina na dating punungbarangay matapos tagain ng kanyang sariling anak sa Quezon, San Isidro, Isabela.

Ang biktima ay si Crisencia Gragasin, 58 anyos at habang ang suspek na kanyang anak ay si Nelson Gragasin na kapwa residente ng lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa bunsong anak ng biktima, nag-ugat ang pananaga nang suspek dahil sa umano’y hindi pagbibigay ng pera ng kanyang ina.

Aniya, nagulat na lamang ng biglang nagsisigaw ang biktima at nakita na lamang tinaga ng kanyang kapatid ang kanilang ina.

--Ads--

Balak din umano siyang tagain ng kanyang kapatid subalit mapalad na nakatakbo ito.

Nagtamo ng malubhang sugat sa kanyang kanang balikat ang biktima at malaking sugat sa ulo maging sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon pa sa bunsod anak ng biktima, nitong mga nakalipas na araw ay nakitang gumagamit ng ilegal na droga ang kapatid at nagsasalita subalit wala namang kinakausap.

Desidido naman siya na masampahan ng kasong parricide ang kanyang kapatid.