--Ads--
Kinumpirma ng Taiwanese singer at F4 member na si Vanness Wu ang kanyang ikalawang pag-aasawa matapos ibahagi sa social media ang isang cryptic post na may larawan ng magkahawak na kamay.
Napag-alaman na ang kanyang napangasawa ay ang 47-anyos na Japanese singer-actress na si Emi Aramaki. Ginanap ang kanilang pribadong kasal sa Las Vegas, Nevada noong May 2026.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Wu ang kanyang asawa sa kanyang post, ibinahagi niya na ang 2026 ay puno ng biyaya para sa kanya, kabilang ang muling pagpe-perform kasama ang mga kapwa miyembro ng F4 at ang pagkakaroon ng pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.






