CAUAYAN CITY- Nagbigay paalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) makaraang tumaas ng mahigit 100% ang fatality o biktima ng sunog sa nakalipas na first quarter ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Fire Chief Inspector Jude Delos Reyes, spokesman ng BFP na kumpara noong Marso, 2018 ay bumaba ng 40% ang fire incidents noong nakalipas na buwan ng Marso.
Sa first quarter ng 2019 ay bumaba ng 20% hanggang 30% ang fire incidents kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon sa buong bansa .
Bumaba anya ang insidente ng sunog dahil sa programa na nakikiisa ang pamayanan na makilahok at makialam tungkol sa fire safety awareness ng BFP.
Subalit nilinaw ni Fire Chief Insp. Delos Reyes na bagamat bumaba ang mga insidente ng sunog ngayong taon ay tumaas naman ng 113% ang fatality o nabiktima ng sunog kumpara noong nakaraang taon.