Nagpakitang-gilas ang Filipina singer na si Jeramie Sanico sa The Voice Australia matapos makuha ang four-chair turn dahil sa kaniyang rendition ng “Because You Loved Me” ni Celine Dion.
Ayon kay Sanico, matagal na siyang hindi sumabak sa competitive singing matapos lumipat sa Australia, kaya aminado siyang kinabahan bago ang kaniyang performance.
Sa kabila nito, napabilib niya ang apat na coach na sina Richard Marx, Ronan Keating, Kate Miller-Heidke at Melanie C.
Huli namang lumahok si Sanico sa isang singing competition sa Pilipinas noong 2016, nang umabot siya sa semi-finals ng Tawag ng Tanghalan.
Sinabi ni Sanico na higit sa pagkapanalo, nais niyang gamitin ang pagkakataon upang maibahagi ang kaniyang talento at pananampalataya sa pamamagitan ng musika.






