--Ads--

Matagumpay na nakapasok ang Philippine National Women’s Football Team sa FIFA Women’s World Cup matapos talunin ang Uzbekistan, 2-0, sa play-in sa Gold Coast Stadium sa Australia.

Naka-iskor si Angie Beard sa 47th minutes ng laro, na sinundan ng pangalawang goal ni Jackie Sawicki sa 52nd minutes, parehong na-assist ni Jael-Marie Guy. Bagamat sinubukan ng Uzbekistan na makaiskor, hindi nila nagawang baguhin ang resulta.

Dahil sa panalo, magkakaroon ng ikalawang sunod na paglahok ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup, kasunod ng kanilang debut noong 2023.