CAUAYAN CITY– Tiyak na ang bronze medal ni Filipino boxer Eumir Marcial matapos talunin si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinal round ng men’s middleweight division na ginanap sa Kokugikan Arena ngayong araw.
Sunod namang makakaharap ni Eumir Marcial makakaharap si Oleksandr Khyzhniak (alexander kasniyak) ng Ukraine sa semifinals sa Huwebes, ikalima ng Agosto .
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran na nakita niyang malakas sumuntok si Eumir Marcial na isa sa dahilan ng kanyang pagkapanalo kontra kay Darchinyan.
Sa ngayon anya ay mas nagpapakita ng suporta ang mga Filipino community sa laban ni Eumir Marcial dahil kilala ang pinoy sa boksing habang hindi gaanong kilala ang weightlifing ang mga pinoy.
Maging ang laban ni Neshty Petecio ay tuwang tuwa ang mga pinoy sa Japan at kanila itong inaabangan
Ngunit sa kabila anya nito ay nakatulong ang pagkapanlo ni Hidilyn Diaz ng gintong medalya sa laban ng iba pang mga atletang pinoy upang umangat sa kanilang mga laban.