--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Filipino Community sa Pamahalan ng Pilipinas na huwag nang makisali sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito ay matapos na magkaroon ng paghihigpit sa mga Pilipinong nakabase sa naturang bansa dahil sa pagbisita ni Ukrainian President Vlodemir Zelensky dito sa Pilipinas.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Joel Marquez na ramdam nila ang mga paghihigpit ngayon ng Russia dahil sinimulan ng ng russian government ang pagalugad sa mga bahay o tirahan ng mga Pilipino doon para suriin ang knailang mga dokumento at tukuyin kung sila ay legal o iligal habang may ilang mga Pilipino na ang napa-deport.

May mga pagkakataon din na hinaharang ng immigration ng Russia at at hindi na nakabalik sa naturang bansa.

--Ads--

Sa ngayon ay nag-iingat na rin sila dahil mainit na ang mata ng Russian Authorities sa kanilang mga Pilipino.

Sa katunayan ay may on-going deliberation sa House of Representatives kung saan isinusulong na limitahan ang perang mailalabas ng mga expat gayundin na ang mga may expired na visa ay hindi na papayagang makapag renew ng bank accounts.

Panawagan niya na sahalip na makisawsaw sa gulo ng Russia at ukraine ay ayusin na lamang ang isyu ng politika at ekonomiya ng Pilipinas.