--Ads--

Inanunsyo na ng Gilas Pilipinas ang kanilang final 12 na manlalaro para sa laban kontra New Zealand national basketball team sa pagsisimula ng Window 2 ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers.

Unang pagkakataon na makakasama sa national team si Juan Gomez de Liano.

Hindi naman napabilang sa lineup ang kanyang teammate sa Converge na si Justine Baltazar, gayundin sina RJ Abarrientos at Troy Rosario ng Barangay Ginebra.

Kumukumpleto sa final 12 sina June Mar Fajardo, Kevin Quiambao, Chris Newsome, Calvin Oftana, Scottie Thompson, CJ Perez, Carl Tamayo, Dwight Ramos, AJ Edu, Quentin Millora-Brown, at Justin Brownlee.

--Ads--

Makakaharap ng Gilas ang New Zealand ngayong Huwebes, Pebrero 26, sa Mall of Asia Arena.