--Ads--
Isang lalaki ang gumamit ng kanyang body piercings upang masungkit ang Guinness World Record para sa heaviest vehicle pulled by the nipples na may bigat na 2,184 pounds.
Ang propesyonal na circus performer na kilala bilang The Baron ay nagpagulong ng karwahe kung saan nakaupo ang kanyang kapareha.
Ginamit niya ang mga butas sa tinawag niyang “strongest nipples” upang hilahin ang karwahe, at nabasag ang dating rekord na 2,179.27 pounds na hawak ng Amerikanong si Sage Werbock, na kilala bilang The Great Nippulini.
Noong 2013, naitala na rin ni The Baron ang Guinness World Record sa “heaviest weight lifted by the nipples”, nang buhatin niya ang 71.87 pounds at naipirmi ito nang mahigit 8 segundo.
--Ads--











