--Ads--
Ipinagpaliban ng World Economic Forum (WEF) ang nakatakdang pagpupulong sa Saudi Arabia ngayong Abril kaugnay ng pandaigdigang kolaborasyon, paglago, at enerhiya, ayon sa ulat ng Saudi Press Agency nitong Martes.
Ang WEF Global Collaboration and Growth Meeting ay nakaiskedyul sana sa Jeddah mula Abril 22–23, ngunit ipinagpaliban ito dahil sa kasalukuyang mga kaganapan sa rehiyon, kabilang ang lumalalang tensyon matapos ang digmaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Ayon sa Saudi Press Agency, ang desisyon ay ginawa matapos ang konsultasyon sa Saudi Ministry of Economy and Planning. Dagdag pa nito, magbibigay ng bagong petsa para sa naturang pagpupulong sa mga darating na araw.









