--Ads--

Tumaas ang kaso ng mga naitalang firecracker related incident sa bansa kung ikukumpara sa nagdaang mga taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department of Health Undrsecretary Dr. Glenn Mathew Baggao, sinabi niya na nitong 2024 ay umabot sa 843 ang naging biktima ng paputok.

Mas mataas ito ng 38% mula sa 610 na firecracker related incident na naitala noong 2023.

Nangunguna sa talaan ng may pinaka-maraming firecracker related incident ang National Capital Region (NCR) na may 417 kaso, sinundan ng Region 3 na may 82, Region 4A na nakapagtala ng 69 cases, Region 1 na may 64, at pumanglima ang Region 5 na may tatlumpung kaso habang 25 cases lamang ang naitala sa Region 2.

--Ads--

Nitong 2024 ay apat ang naitalang nasawi dahil sa paputok at dalawa ang naipaulat na naka-lunok ng firecrakers.  

92 ang naitala na nagkaroon ng blast burn, 25 ang naputulan ng daliri, at 75 ang nabulag.

Karamihan sa mga biktima ay gumamit ng kwitis, 5 star, boga at whistle bomb.

Samantala, nakitaan din ng pagtaas ang Road Traffic Incident sa bansa noong holiday season na pumalo sa 703 na mas mataas kumapara sa 538 na naitala noong 2023.

Nangunguna ang Region 2 sa may pinakamaraming kaso na may 228 kaso,

Sinundan ng Region 7 na may 135 cases, Region 11 na may 86, NCR na may 79 kaso at Region 9 na nakapagtala ng 61.

Karamihan sa mga ito ay kinasasangkutan ng mga single na motorsiklo kung saan nasa impluwesiya ng nakalalasing na inumin ang mga biktima.

Walo sa mga biktima ang naipaulat na nasawi.