--Ads--
CAUAYAN CITY– Mayroon nang naitatalang fishkill sa mga fishpond sa isang lunsod at tatlong bayan sa Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Agriculturist Angelo Naui ng Isabela na dahil sa patuloy na mainit na lagay ng panahon ay mayroon na silang natanggap na ulat na may mga namamatay na mga isda sa mga palaisdaan.
Mayroong na anyang 1.15 hectares ng limang tilapia fishpond owners ang apektado ng fishkill
Nagkakahalaga anya ng humigit kumulang dalawang daang libong piso ng mga isdang tilapia na namatay at maaaring madagdagan pa ito kapag nagpatuloy ang mainit na lagay ng panahon.
--Ads--
Ang nag-ulat pa lamang ng fishkill sa kanilang tanggapan ay ang Ilagan City, mga bayan ng Cabagan, Cordon at Quirino, Isabela.