CAUAYAN CITY – Naitala ang Fishkill sa ilang bayan sa lalawigan ng Isabela dahil sa naranasang tagtuyot.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Gerico Gibe, Provincial Fisheries Officer ng lalawigan ng Isabela sinabi niya na naitala ang fishkill sa apat na fishpond sa Santiago City at Cordon Isabela.
Ito ay dahil aniya sa drought na naranasan sa nakalipas na buwan na nakaapekto sa mga isda pangunahin na sa tilapia dahil sa hindi na magandang kalidad ng tubig.
Umabot sa 10,640-kilo ng isda ang namatay sa mga fishpond na kung susumahin ay mahigit isang milyong piso ang lugi ng mga fishpond owners.
Bagamat nagkaroon ng fishkill sa dalawang bayan ay wala namang naging epekto sa presyo ng isda dahil bumababa pa ang presyo sa merkado.
Sa ngayon ay naghahanda na ang Provincial Fisheries Office sa magiging epekto naman ng La NiƱa dahil nagsasanhi rin ito ng pagkamatay ng mga isda lalo na sa mga fishpond at fishcages sa bahagi ng Ramon at karatig na munisipalidad.