--Ads--

Personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Chamber III ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands nitong Martes para sa ikaapat na status conference kaugnay ng kasong kinahaharap nito.

Tatalakayin sa naturang pagdinig ang mga usaping pamproseso sa kaso ni Duterte, na nahaharap sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra ilegal na droga sa bansa.

Ito na ang ikatlong personal na pagharap ni Duterte sa tribunal. Una siyang humarap sa pamamagitan ng video conference, habang ang una niyang personal na pagdalo ay noong ikatlong status conference nitong Setyembre.

Naganap ang pagharap ng dating pangulo ilang araw matapos ideklara ng ICC na nasa sapat na pisikal at mental na kondisyon siya upang sumailalim sa paglilitis.

--Ads--

Batay sa pagsusuri ng mga eksperto sa medisina, walang nakitang palatandaan ng paglala ng kaniyang kakayahang pangkaisipan.

Inaresto si Duterte ng mga awtoridad ng Pilipinas at ipinasa sa ICC noong 2025. Nahaharap siya sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga na iniugnay sa pagkamatay ng libo-libong katao.