CAUAYAN CITY – Nahuli na ang isa sa dalawang suspek na bumaril patay sa magkapatid sa barangay Mangcuram, Ilagan City.
Ang dinakip na suspek ay si Edmund Dalit, 20 anyos at residente ng barangay Minabang, Ilagan City.
Nakilala naman ang nasawing magkapatid na sina Danny Rapisora, 45 anyos at Joel Rapisora, 40 anyos na kapwa residente San Vicente Quirino, Isabela
Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station ipinakita ang mga larawan ng mga suspek sa mga testigo at dito positibo nilang itinuro si Dalit.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ng pagbaril at pagpatay noong Mayo 25, 2018 sa computer technician na si Julius Dalit ay kamag-anak ng suspek na si Edmund Dalit.
Noong Nobyembre 2017, ang magkapatid na Rapisora ay nagsampa umano ng kaso sa pamilya Dalit.




