--Ads--

Hindi pa rin susuko sa pagpe-perform si Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos ang mahigit apat na dekada sa industriya ng musika.

Magbabalik si Gary sa Music Museum para sa “Back At The Museum,” isang 10-night concert series ngayong Oktubre. Gaganapin ang mga show tuwing Huwebes at Sabado sa October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31.

Ayon kay Gary, patuloy siyang naeengganyo sa paggawa ng musika at pagharap sa mga bagong hamon, lalo na sa pag-usbong ng mga batang singer at songwriter.

May espesyal na kahulugan din para sa singer ang Music Museum dahil nakapagtanghal na siya rito nang 103 beses.

--Ads--

Bagama’t nagtapos na ang kaniyang malalaking solo concert productions, sinabi ni Gary na hindi nito tinatapos ang kaniyang journey bilang performer.