--Ads--

Sinimulan na ng Public Order and Safety Division (POSD) ang monitoring sa mga gasolinahan sa Lungsod ng Cauayan alinsunod sa inilabas na executive order (EO) ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan.

Sa ilalim ng naturang EO, bumuo ang LGU ng task force na kinabibilangan ng POSD, BPLO, City Treasury Office, at PNP upang tiyakin na nakasusunod ang mga gasolinahan sa itinakdang fuel price increase, at wala sa mga ito ang mananamantala.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na mayroong 165 registered gasoline station sa Lungsod ang kailangan nilang I-monitor, hindi pa kasali rito ang mga gasolinahan sa mga barangay.

Dahil dito ay binalaan niya ang mga gasolinahan na nagsasara o tumitigil na sa pagbenta kahit mayroon pang supply ng gasolina dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Hinikayat naman niya ang publiko pangunahin na ang mga motorista na I-report sa kanilang task force ang mga negosyanteng nananamanatala.

--Ads--

Batay sa kanilang monitoring, nakasunod naman ang mga gasoline station na kanilang binisita ngayong araw.