--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalawig hanggang alas dose ng madaling araw ng ikapitu ng Setyembre ang pagsasailalim sa Lunsod  sa General Community Quarantine o GCQ Bubble.

Nauna rito ay isinailalim sa GCQ Bubble ang Cauayan City mula ikalabing apat hanggang ngayong ikatatlumpo ng Agosto batay sa inilabas ng pamahalaang panlunsod na executive order o EO no. 71-2021.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang nagpopositibo sa COVID-19 at banta ng Delta Variant ay pinalawig ang GCQ bubble hanggang madaling araw ng ikapitu ng Setyembre .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Leoncio Bong Dalin, sinabi niya na kanilang pinalawig ang GCQ Bubble dahil sa biglaang pagtaas ng kasong naitatala at pagrekomenda ng mga doktor sa  pagpupulong ng Covid 19 Task Force ng ekstensyon ng GCQ Bubble.

--Ads--

Aniya nananatili namang maganda ang sitwasyon ng mga quarantine facilities sa lunsod dahil karamihan sa mga aktibong kaso ay nakahome quarantine.

Umaabot na sa mahigit dalawang daan at limampu ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa lunsod kaya minabuti ng Covid Council na palawigin ang GCQ Bubble at mapababa ang kaso.

Ngayong araw ay magkakaroon muli sila ng pagpupulong kasama ang PNP, POSD at mga kapitan ng mga brgy sa poblacion para pag usapan ang mas mahigpit na pagbabantay.

Ayon kay Vice Mayor Dalin karamihan sa mga barangay na marami ang naitalang kaso ay mula sa poblacion, kabilang na rito ang San Fermin, District 1, District 2, District 3 at Cabaruan.

Nilinaw naman niya na walang nabago sa mga panuntunang ipinatupad ngunit maghihigpit sila sa mga checkpoint upang mapigilan ang pagkalat ng virus lalo na ng Delta Variant.

Para naman sa mga passing through o dadaan lamang sa lunsod ay sa bypass road na sila dadaan o eescortan sila ng POSD patungong Tagaran upang matiyak na sila ay hindi na mag stop over sa lunsod.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Dalin ang mga mamamayan na sumunod sa mga panuntunan habang nakasailalim ang lungsod sa GCQ bubble.

Ang bahagi ng pahayag ni Vice Mayor Leoncio “Bong” Dalin.