Matapos ang matagumpay na operasyon, simula na sa magagaan na workout si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto upang makabalik sa matikas na porma.
Sa kanyang post sa social media, ipinakita ng 7-foot-3 Pinoy cager na balik na ito sa gym para simulan ang rehabilitasyon nito.
Matatandaang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang naglalaro ito para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.
Sumalang si Sotto sa operasyon kamakailan kung saan naging matagumpay ito.
Kasama ni Sotto sa kanyang workout si conditioning coach Mel Lantin.
May hiwalay na post si Lantin sa kanyang sariling social media account kung saan aminado itong mahabang proseso pa ang pagdaraanan ni Sotto para makabalik sa aksyon.
Ilang magagaan na workout lamang ang ginagawa ni Sotto bilang panimula upang hindi maargabyado ang bagog opera nitong tuhod.
Dahil sa injury, hindi nakapaglaro si Sotto sa dalawang laban ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cqup Qualifiers.
Malaking kawalan si Sotto kung saan lumasap ang Pinoy squad ng kabiguan sa kamay ng Chinese-Taipei at New Zealand dahilan para mahulog ang tropa sa 4-2 marka para sa No. 2 seed sa Group B.
Umaasa ang Pinoy fans na magiging mabilis ang recovery ni Sotto dahil kailangan ito ng Gilas Pilipinas sa mga laban nito.
Subalit posibleng sa susunod na taon na muling masisilayan si Sotto sa aksyon dahil daraan ito sa ilang buwan na rehabilistasyon.