--Ads--

Kumpleto na ang Gilas Pilipinas para sa ikalawang window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa New Zealand at Australia. Dumating na kahapon ang mga Filipino imports mula Japan B. League at Korean Basketball League, kabilang si Quentin Millora-Brown ng Chiba Jets, upang sumama sa pool ng coach Tim Cone.

Naayos na ang isyu sa pagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at camp ni Millora-Brown, kaya agad siyang dumating mula Japan kasama si AJ Edu. Sumali rin sa training sina Carl Tamayo ng Changwon LG Sakers at Kevin Quiambao ng Goyang Sono Skygunners.

Nauna nang dumating si Dwight Ramos ng Levanga Hokkaido at sumama sa mga PBA players tulad nina June Mar Fajardo, Justin Brownlee, CJ Perez, Chris Newsome, at Calvin Oftana. Si Kai Sotto, na bagong galing sa ACL injury, ay hindi makakasama sa kampanya.

Maghaharap ang Gilas kontra New Zealand sa Pebrero 26 at Australia sa Marso 1.

--Ads--