--Ads--
CAUAYAN CITY – Nasa critical na kondisyon ang isang ginang na sinaksak ng 24 na beses ng kanilang kapitbahay na lalaki na nagtangkang gumahasa sa kanya habang natutulog katabi ang tatlong anak sa kanilang bahay sa Rizal, Santiago City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng station 1 ng Santiago City Police Office o SCPO na hinihinalang nanlaban ang ginang sa tangkang panggagahasa sa kanya ng suspek na si Armando Diocares.
Sa follow up operation ng station 1 matapos makakuha ng impormasyon sa ilang concerned citizen, naaresto si Diocares sa bahay ng kanyang mga magulang sa Divisoria, Lunsod ng Santiago.
Sasampahan si Diocares ng ng kasong frustrated murder.
--Ads--




