--Ads--

Nagtala ang national government ng malaking budget surplus na ₱165.4 bilyon noong Enero 2026, higit sa doble ng ₱68.4 bilyon noong parehong buwan noong nakaraang taon.

Ang paglago ay dulot ng mas mataas na koleksyon ng buwis, na umabot sa ₱468.9 bilyon, kung saan ang BIR ay nag-ambag ng ₱358.7 bilyon at ang BOC ay ₱80.9 bilyon.

Bagama’t bumaba ng 12.1 % ang non-tax revenues sa ₱26 bilyon, bumagsak rin ang gastusin ng gobyerno ng 23.9% sa ₱303.5 bilyon dahil sa rescheduling ng transfers sa LGUs at base effect mula Enero 2025.

Matatandaan na nagtapos ang 2025 ng ₱1.58 trilyong fiscal deficit, mas malaki kaysa sa target at nakaraang taon, dulot ng mabagal na paglago ng kita at kakulangan sa koleksyon ng buwis.

--Ads--

Ayon sa Fitch Ratings, maaaring maantala ang plano ng Pilipinas na makamit ang A-level sovereign credit rating kung magpapatuloy ang kawalang-katiyakan sa presyo ng langis.