--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala si Governor Rodito Albano na sisibakin ang mga hepe ng pulisya sa Isabela na hindi nanghuhuli sa mga lumalabag sa health protocols para maiwasan ang Coronavirus Disease (COVID-19.

Pahayag ito ng gobernador matapos na pumangalawa ang Isabela sa limang lugar na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Rodito Albano na dapat ipatupad ng mga hepe ng pulisya sa lalawigan ang Executive Order (EO) na kanyang ipinalabas.

Pangunahin dito ang mga nagsasabong na nagsisigawan at hindi sumusunod sa social distancing.

--Ads--

Aniya, kapag patuloy ang ganitong gawain sa mga bayan-bayan ay mapipilitan siyang ipatigil ang sabong sa Isabela.

Bukod dito ay dapat ding hulihin ang mga kubrador na nagpupunta sa iba’t ibang barangay dahil malaki ang posibilidad na sila ay makahawa sakaling tinamaan sila ng virus na hindi nila alam.

Ayon sa punong lalawigan, ang mga hindi magpapatupad sa kanyang mga inilalabas na panuntunan ay ipapasibak niya sa provincial director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Aniya, dapat higpitan ang pagpapatupad sa mga health protocols at magtulungan ang bawat isa para bumaba ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa Isabela.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano