--Ads--

CAUAYAN CITY – Lubos na nagpapasalamat si Governor Manuel Mamba ng Cagayan na walang gaanong epekto ang bagyong Kiko sa kanilang lalawigan.

Walang malakas na hangin at ulan na tumama sa mainland Cagayan maliban sa Calayan Island na naranasan ang malakas na hangin at ulan.

Halos dalawang libong tao ang inilikas sa isinagawang preemptive evacuation sa 16 na bayan sa Cagayan.

Dahil wala namang malakas na ulan at hangin na dala ng bagyo ay maaaring makabalik na ang mga evacuees  sa kanilang mga bahay.

--Ads--

Walang pagbaha sa mga lugar na malapit sa ilog dahil hindi tumaas ang water level ng Cagayan River.

Ayon kay Gov. Mamba, mas handa ngayon ang mga opisyal sa barangay at mga bayan sa Cagayan dahil sa mas mahusay na communication system, dagdag na assets at nagtatag sila ng Disaster Task Force sa bawat purok sa mga barangay.

May mga mobile kitchen din na nagtutungo sa mga evacuation center.

Sinabi ng gobernador na ang problema lang ngayon ay kinakapos na sa Quick Response Fund (QRF) para pambili ng mga relief goods dahil nagamit na ang bahagi nito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Walang aasahang donasyon dahil sa epekto ng pandemya sa mga negosyo.

Ang pahayag ni Gov. Manuel Mamba