--Ads--
CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ni Governor Rodito Albano ng Isabela ang magandang presyo ngayon ng aning palay ng mga magsasaka.
Ayon kay Governor Albano, malaki itong tulong para sa mga magsasaka lalo na at may krisis na pinagdadaanan ngayon ang bansa.
Dahil dito patuloy din ang pagbili ng aning palay ng mga magsasaka ang kooperatiba na itinayo ng pamahalaang panlalawigan.
Hiniling niya na suportahan ito ng mga magsasaka.
--Ads--
Gayunman, inihayag ng punong lalawigan na hindi sila pwedeng magdagdag ng presyo dahil hindi naman gaya noon na mababa ang presyo ng palay.
Ayon pa kay Governor Albano, pagkatapos ng krisis sa COVID-19 ay sunod niyang pagtutuunan ng pansin ang mga nagtatanim ng mais.











