--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang pitong taong gulang na grade 1 pupil matapos malunod sa Magat River sa Basa-ok Extension, Purok 3, Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Bayombong Police Station mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Managemet Office kaugnay sa pagkakatagpo sa katawan ng biktima sa ilog na agad namang pinuntahan ng mga otoridad.

Nadatnan na umano ng pulisya ang katawan ng biktima na nakasilid na sa isang cadver bag.

Una rito, sa imbestigasyon ng Bayombong Police Station ayon sa  salaysay ng ama ng biktima na tumakas umano ang kanyang anak kasama ang pitong taong gulang na pinsan at nagtungo sa ilog para maligo.

--Ads--

Lumusong sa tubig ang biktima ngunit hindi na makaahon pa kayat agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang BFP, MDRRMO, Red Cross at PDRRMO.

Narekober ang katawan ng biktima tinatayang limang daang metro ang layo kung saan ito nalunod dahil na din sa lakas ng agos ng tubig.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima ngunit inideklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.