--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang Grade 12 student ng National University Manila ang nakabasag ng record at nakapagtala ng panibagong record sa national Junior high jump girls category sa nagpapatuloy na Phil. Athletics Championship sa City of Ilagan Sports Complex.

Ang dating record ni Kaylene Mosqueda sa national junior high jump na 1.69 meters ay nalampasan ni Evangeline Camilo sa pamamagitan ng naitala nitong 1.71 meters.

Dahil dito ay mayroon .02 meters na naidadag ni Camilo para mabasag niya ang 1.69 meters na record.

Nakuha rin ni Camilo ang medalyang ginto sa long jump kung saan niya naitala ang 5.23 meters na pagtalon ngunit bigong malampasan ang 6.6 meters na naitala noong November 1983 sa 5th Asian Athetics Championship sa Kuwait.

--Ads--