Kalunos-lunos ang sinapit ng isang Grade 12 student na ilang araw nang napaulat na nawawala matapos siyang matagpuang walang buhay at nasa advance stage of decomposition na sa isang masukal na bahagi ng Toledo City, Cebu.
Batay sa pulisya mismong kaanak ng biktima ang suspek sa karumaldumal na krimen.
Kamakailan ng matagpuan ang wala nang buhay na biktima na nakagapos sa puno at pinugutan pa ng ulo.
Inaresto ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang kamag-anak ng biktima na nakita umano sa CCTV na nagmamaneho ng motorsiklo kasama nito bago ito mawala.
Batay sa ulat posibleng nasa impluwensya ng iligal na droga ang suspek ng maganap ang insidente.
Bago natagpuan ang bangkay tinangay pa umano ng isang aso ang paa nito, dahilan para maalarma ang mga residente sa lugar at iniulat ito sa Barangay.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Toledo City Police Station habang nananawagan ng hustisya ang naulilang pamilya ng biktima.











