--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang grade III pupil matapos malunod sa ilog sa Aurora, Isabela.

Ang biktima ay si Mae Ann Angulan,12 anyos,at residente ng Sto. Ninio, Aurora, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Aurora Police Station, nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang kanyang 8 anyos na kaibigan upang maligo at maglaro.

Hindi namalayan ng biktima na napadako sa malalim na bahagi ng ilog at tinangay ng agos at nalunod.

--Ads--

Ang dalawang bata lamang ang naroon sa ilog dahil malayo ito sa kabahayan.

Gayunman nakahingi ng tulong ang 8 anyos na bata sa kanilang pamilya ngunit hindi na nila nakita ang biktima nang sila’y bumalik sa ilog.

Matapos ang isang oras na paghahanap ng mga kasapi ng Aurora Police Station at Rescue 811 ay natagpuan ang katawan ng biktima na wala nang buhay.